| |

TINAPAY NG BUHAY

Koro: Ikaw, Hesus ang Tinapay ng buhay
Binasbasan, hinati't inialay
Buhay na ganap ang sa ami'y kaloob
At pagsasalong walang hanggan.


Basbasan ang buhay naming handog
Nawa'y matulad sa pag-aalay Mo
Buhay na laan nang lubos
Sa mundong sa pag-ibig ay kapos (Koro)

Marapatin sa kapwa maging tinapay
Kagalakan sa nalulumbay
Katarungan sa naaapi
At kanlungan ng bayan Mong sawi (Koro)