| |

UNANG ALAY


Koro: 
Kunin at tanggapin ang alay na ito
mga biyayang nagmula sa pagpapala mo
tanda ng bawat pusong ‘pagkat inibig Mo
ngayo’y nananalig, nagmamahal sa yo.


1. Tinapay na nagmula sa butil ng trigo
pagkaing nagbibigay ng buhay mo
at alak na nagmula sa isang tangkay ng ubas
inuming nagbibigay lakas.


2. Lahat ng mga lungkot ligaya’t pagsubok
lahat ng lakas at kahinaan ko
Iaalay kong lahat buong pagkatao
ito ay isusunod sa ‘yo.