| |

KRISTO


Ikaw ang lagi kong kausap
Ikaw ang laging tinatawag
Gabay ka ng bawa’t pangarap
Lakas ng bawa’t pagsisikap
Ikaw ang tunay na kaibigan
Ginto ang puso’t kalooban
Nguni’t hindi lahat ay may alam
Na Kristo ang iyong pangalan


Koro:

Kristo, Kristo, bakit minsan ka lang nakikilala
Kapag nakadama ng dusa’t pangamba?
Tinatawagan ka sana’y maawa ka
Kristo, Kristo, kulang pa ba ang pag-ibig na dulot mo?
Bakit ba ang mundo ngayo’y gulong-gulo?
Anong dapat gawin? Kami’y tulungan mo.

Coda; O Kristo, Kristo, Kristo.