| |

PAGHAHANDOG

Ang himig Mo, ang awit ko
Lahat ng ito’y nagmula sa Iyo
Muling ihahandog sa ‘Yo
Buong puso kong inaalay sa ‘Yo

Koro:
O D’yos, O Panginoon
Lahat ay biyayang aming inampon
Aming buhay at kakayahan
Ito’y para lamang sa ’yong kalwalhatian
Ang tanging ninanais ko
Ay matamo lamang ang pag-ibig Mo
Lahat ay iiwanan ko
Wala nang kailangan
Sapat na ito

(Koro)