| |

HESUS

Kung nag-iisa at nalulumbay
Dahil sa hirap mong tinataglay
Kung kailangan mo ng karamay
Tumawag ka at Siya’y naghihintay

Koro:
Siya ang iyong kailangan
Sandigan, kaibigan mo
Siya ang araw at gabi
At karamay kung sawi
Siya ay si Hesus sa bawat sandali

Kung ang buhay mo ay walang sigla
Laging takot at laging alala
Tanging kay Hesus makakaasa,
Kaligtasan, lubos ang ligaya

Koro2:
Siya ang dapat tanggapin
At kilanlin, sa buhay mo
Siya noon, bukas, ngayon
Sa dalangin mo’y tugon
Siya ay si Hesus sa habang panahon

Kaya’t ang lagi mong pakatatandaan
Siya lang ang may pag-ibig na tunay
Pag-ibig na tunay

(Ulitin ang Koro2 maliban sa huling linya)

Siya ay si Hesus, Siya ay si Hesus
Siya ay si Hesus, sa habang panahon