| |

TINAPAY AT ALAK

Ang maihahandog sa ‘yo Panginoon
ay tinapay at alak mula sa ‘ming kamay
sa ‘yong kabutihan aming iaalay
ang tinapay at alak sagisag ng aming buhay.


1. Ang tinapay na ito’y nagmula sa lupa bunga ng paggawa
kunin mo upang maging pagkaing nagdudulot ng buhay.


2. Ang alak na ito’y nagmula sa ubas bunga ng paggawa
kunin mo upang maging inuming nagdudulot ng Espiritu.